Sa kasalukuyang panahon, napakarami na ng gawain ang naisasagawa sa tulong ng makabagong teknolohiya partikular na sa kompyuter at internet. Sa tulong ng makabagong teknolohiya bilang gamit sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan ay tumataas ang interes ng mga mag-aaral at napupukaw ang kanilang interes.
Sa pamamagitan ng impormasyon na nakukuha sa internet ay napupukaw ang interes ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng kompyuter sa pagtuturo ng aralin ay malaking tulong upang ang interes ng mag-aaral ay magpokus sa mga aralin. Ang paggamit ng multimedia ay nakatutulong din sa mga mag-aaral upang malinang ang kanilang kakayahang panteknolohiya upang maging mas kapaki-pakinabang sa lipunan. Mataas ang porsyento na matuto ang mga mag-aaral kung ang isang impormasyon o gawain ay kanilang nakikita sa tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang gamit sa pagkatuto sa loob ng paaralan, mas naeenganyo ang mga mag-aaral na makinig dahil na din napupunta dito ang kanilang atensyon.
Sa aking palagay, ang pinakamataas na bilang ng elektronikong kagamitan na ginagamit sa Bataan School of Fisheries ng mga guro sa kanilang pagtuturo ay ang LCD Projector sapagkat ang kagamitang ito ay pumupukaw sa interes ng mga mag-aaral na makinig sa mga aralin. At dahil na rin sa kalakihan ng napoproject nitong imahe, madaling nakikita ng lahat ng estudyante ang nais ipakita ng kanilang guro at mas naipapaliwanag ng maayos ang mga impormasyon o imaheng kanilang nakikita.
Bilang Student Teacher sa Bataan School of Fishiries ay naobserbahan ko na ang LCD projector ay limitado lamang kaya hindi lahat ng mga guro dito ay nakakagamit ng ganitong kagamitang elektroniko. Subalit hindi ito hadlang sa kanila upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral sa modernong teknolohiya. Bukod pa rito mayroong computer subject ang mga mag-aaral na kung saan sa aking obserbasyon ay natuturuan sila ng sapat ng kanilang mga guro na malaman ang gamit ng mga makabagong teknolohiya na maaari nilang magamit kahit nasan man sila. Dahil dito ang mga mag-aaral ng Bataan School of Fisheries ay hindi napag-iiwanan pagdating sa paggamit ng mga kompyuter na makakatulong sa kanila na maging mas competitive sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento